Answer:

Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay tumutukoy sa kasaysayan at pamahalaan ng Pilipinas mula Hulyo 4, 1946 hanggang Setyembre 21, 1972. Ito ay ang pinakamatagal na republika sa kasulukuyan, na tumagal ng 26 na taon, tagal na hindi pa narating ng kasalukuyang republika – ang ikalimang republika na 20 taon pa lamang ngayon. Nagsimula ito sa isang masayang seremonya sa Luneta at natapos sa isang malungkot na pangyayari, na ang patagong pagdedeklara ng Batas Militar. Sa lahat ng naging republika noon, ito lamang ay masasabing malaya sapagkat ito ay opisyal na kinilala ng maraming bansa. Bagamat ang unang republika ni Emilio Aguinaldo ay masasabing malaya sa ibang aspeto, ito'y hindi kinilala ng ibang bansa at gaya na rin ng kay Jose P. Laurel (ang ikalawang republika) na binuo at kinilala lamang ng alyansang Axis (Hapon, Alemanya, at Italy) habang hindi kinilala ng mga ibang bansa.

Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay batay sa Saligang Batas ng 1935 (isinulat noong 1934) at pinagtibay ng Komonwelt ng Pilipinas (1935–1946). Ito'y inspirasyon ng mapanlinlang na "benevolent assimilation" na patakaran ng Amerika bilang transisyon ng Pilipinas mula direktang kolonya patungong kasarinlan. Itinadhana ang orihinal na Saligang Batas ng 1935 para sa isang Kongreso na may isang Kapulungan ng mga Kinatawan at nirebisa ito noong 1940 para bigyang-daan ang kongresong may dalawang kapulungan: Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan (Kamara de Representantes) at para baguhin din ang termino ng pangulo. Sa saligang batas na ito, may hangganan ang Pangulo sa terminong apat na taon at maaari lamang maupo ng dalawang termino, ngunit isang Pagpupulong ng Saligang Batas (Constitutional Convention) ang ginanap noong 1971 upang baguhin ang Saligang Batas ng 1935. Nabahiran ang pagpupulong ng mga pagsuhol at korupsiyon. Marahil ang pinakakontrobersiyal ang usapin ng pagtanggal sa hangganan ng termino ng isang pangulo dahil sa gayon maaaring tumakbo si Ferdinand Marcos sa ikatlong taning. Sa anumang usapin, sinuspinde ng pagpapahayag ng batas militar ang Saligang Batas ng 1935, na gaya nang nasabi, siyang naging katapusan ng Ikatlong Republika. Sa kabilang banda naman, isa pa sa pinakamalaking bagay na nagpabago sa Saligang Batas ng 1935 ay ang pasasalaksak ng tinatawag na "American Parity Rights" na nagbigay sa mga Amerikano ng mga karapatang laan lamang sa mga Pilipino, lalo na sa pagnenegosyo at paglilinang ng yamang-likas ng bansa. Ito raw ang pagtulong ng mga Amerikano sa Pilipino, ngunit ginawang monopolyo ng mga banyagang ito ang lahat ng negosyo sa Pilipinas, at sa mahabang panahon ay mga Amerikano (at Tsino) ang nagkontrol ng ekonomiya ng Pilipinas. Puro sila ang nag-may-ari ng karamihang kompanya gaya ng sa kuryente, sa telekomunikasyon, kompanya ng pagmimina and marami pang iba, kaya ang Pilipino na ang mga may-ari ng bansa ay sila ring nagtrabaho para sa mga banyagang nagnenegosyo.

Explanation:

#hopeithelps

Brainliest me...