Answer:
"Ang Masamang Panaginip" Ngunit ang kasaganaan at kapayapaan ng Berbanya'y naglaho rin sa isang panaginip na diumano'y bumalabog sa isipan ng hari ng isang gabing naiidlip. Napanaginipan ni Haring Fernando na ang pinakamamahal niyang si Don Juan ay nililo ng dalawang tampalasan,pinatay at inihulog sa malalim na balon. Nabahala ito nang husto at nagkasakit. Isa sa mga manggagamot ang nakapagsabi ng lunas sa lumalalang sakit ng hari. Ito'y ang awit ng ibong Adarna na kapag narinig niya ay liyak na kanyang ikagagaling. Matatagpuan ang ibon sa bundok Tabor. Sa kahoy ng Piedras Platas na tinitirhan nito.
"Ang Paglalakbay ni Don Pedro" Noon di'y ipinadala ng hari si Don Pedro upang makuha ang ibon. Naglakbay itong mahigit tatlong buwan bago nakarating sa bundok Tabor. Namatay ang kabayo niya at naglakad na lamang hanggang sanasilayan ang napakagandang puno ng Piedras Platas. Ang mga dahon at sanga nito'y kumikislap wari'y mga diyamante at ang mga ugat ay ginto. Nakatulog siya sa kahihintay sa ibon kaya hindi niya ito napansin nang dumating. Matapos kumanta at magpalit ng pitong magagandang ayos ay nagbawas ang ibon. Napatakan si Don Pedro at naging buhay na bato.
"Ang Paghahanap ni Don Diego" Isang taon na at 'di pa nakabalik si Don Pedro kaya si Don Diego ay sumunod sa paghahanap.
Limang buwan siyang naglalakbay. Namatay rin ang sinasakyan niyang kabayo. Natagpuan niya ang Piedras Platas at nakita rin niya ang Ibong Adarna. Dahil sa lambing ng awit ng ibon ay nakatulog ang prinsipe at nang dumumi ang ibon ay napatakan siya at naging bato tulad ng kanyang kapatid na si Don Pedro.
"Ang Paghahanap ni Don Juan"
Lumipas ang tatlong taon ngunit hindi pa nagbalik ang dalawa. kinumbinsi ni Don Juan ang kanyang ama naipaubaya sa kanya ang paghahanap. Kahit na nag-aalinlangan, napilitan ang haring pahintulutan ang anak dahil ayaw niyang umalis si Don Juan na di man marinig ang huling hibik niya at noon di'y binendisyunan siya. Hindi gumamit ng kabayo si Don Juan. Dala-dala niya ay limang piraso lamang ng tinapay at ipinasiyang isang tinapay ang kakainin bawat buwan. Sa limang buwang paglalakad ay isa na lang ang natirang tinapay at ito muna'y lumuhod at naghingi ng patnubay sa Birheng Maria.
"Ang Pagtulong sa Leproso"
Pagkatapos mag-dasal ay nagpatuloy na siya sa kanyang paglalakbay at nakakilala siya ng isang matandang leproso na humihingi ng makakain. Walang pag-aalinlangan namang ibinigay ni Don Juan ang titirang isang tinapay sa matanda. Dahil sa kabutihang ito, tinulungan ng matanda si Don Juan na matunton ang hanap nitong puno. Nagbigay siya ng babala sa prinsipe na huwag mahumaling saganang puno. Sa halip ay tumungo sa bahay nanasa gilid ng bundok kung saan nakatira ang taong magtuturo sa kinaroroonan ng ibon.Pagkatapos ng kanyang payo ay pilit ibinigay niya ang tirang tinapay ni Don Juan.Ngunit tinanggihan pang kunin ni Don Juan ang tinapay na ipinagkaloob dahil mas kailangan ng matanda ang tinapay.
"Ang Pagtulong ng Ermitanyo"
Sinunod lahat ni Don Juan ang sinabi ng matanda at nakarating sa dampang tinitirhan ng isang matandang ermitanyo. Doon ay hinandugan siya ng masarap na makakain at nang kanyang napaglinang ay naroroon ang tinapay na ipinagkaloob niya sa leproso.Namangha si Don Juan at kanyang napaglinang tila ang Ermitanyo ay ang Diyos.Binigyan siya ng Ermitanyo ng mga kakailanganin upang magtagumpay sa paghuli sa Adarna. Ang mga labaha, pitong dayap at gintong sintas.
"Nahuli na rin ang Ibong Adarna"
Nagamit lahat ni Don Juan ang mga ibinigay ng matanda. Ang labaha'y ipinanghiwa niya sa kanyang palad at ang mga hiwa'y pinigaanan ng dayap upang mapaglabanan ang antok habang kumakanta ang ibon. Nang mahimbing na nakatulog ang ibon ay mistula nakamulat ang mata at ang pakpak ay nakabukaka, dahan-dahan niyang inakyat ito at kaagad natinalian gamit ang gintong sintas. Matagumpay na nahuli ni Don Juan ang ibong Adarna at dinala sa matanda. Inutusan ng matanda si Don Juan na umigib ng tubig at ibuhos sa dalawang bato. Nang mabuhusan na ay biglang lumitaw ang dalawa niyang kapatid.Kaagad niyakap ni Don Juan ang mga ito at laking pasasalamat ng dalawa sa bunsong kapatid. Ginamot naman ng emitanyo ang mga sugat ni Don Juan at kamangha-manghang ni bakas ay walang makita. Bago bumalik sa kaharian, pinayuhan sila ng ermitanyo na huwag pagtaksilan ang isa't isa
Explanation:
Sana makatulomg