Answer:
Nang papalabas ang matanda, dumating sa isang karwahe si Crisostomo Ibarra, kasama ng isang matandang katulong. Tumungo sila sa sementeryo, kung saan hahanapin ni Crisostomo ang libingan ng kanyang ama, si Don Rafael. Mayroong itinirik na krus at mga bulaklak ang katulong sa libingan ni Don Rafael, at tinanong nila ang sepulturero kung saan ito. Sinabi ng sepulturero na sinunog niya ang krus sa libingan ayon sa utos ng isang kura, subalit hiniling siyang sabihin kung saan ang libingan. Ang sagot ng sepulturero ay wala na ang patay sa libingan; mga ilang buwan sa nakaraan, hinukay niya ang bangkay ni Don Rafael. Dapat ililipat ito sa libingan ng mga Tsino, ngunit dahil malayo ito, at umuulan din noong araw na iyon, inihagis ng sepulturero ang bangkay sa ilog.
Sobrang nagalit si Crisostomo sa mga nalaman niya. Tinawag niyang kulang-palad na alipin ang sepulturero, at umalis ng sementeryo. Lumakad siya papunta sa isang lumang bahay, ang dating bahay niya, habang sumusunod lamang ang katulong. Natagpuan ni Crisostomo ang kura ng San Diego, si Padre Salvi. Sinunggaban ang kura ng binata, na sa magalit na tono ay nagtanong kung ano ang ginawa ng kura sa ama. Nanginginig at natatakot, sinabi ni Padre Salvi na wala siyang ginawa sa ama ni Ibarra, at agad-agad niyang tinuro si Padre Damaso bilang ang taong may kasalanan. Binitawan ang Pransiskano ni Crisostomo, na tumuloy sa loob ng kanyang bahay. Samantala, tinulong si Padre Salvi sa pagtayo ng katulong na kasama ni Crisostomo.
– Anong nalaman at ikinilos ni Crisostomo ang maituturing na masamang pangitain?
Nalaman ni Crisostomo na sinunog ng sepulturero ang krus na itinirik ng katulong ni Kapitan Tiago sa libingan ni Don Rafael Ibarra, at hinukay ang bangkay niya at inihagis ito sa ilog. Sa galit niya, muntik nang baliin ni Crisostomo ang braso ng sepulturero. Ang mas malala pa ay nalaman ni Crisostomo na ang nag-utos sa sepulturero na hukayin ang bangkay ay isang kura: si Padre Damaso.
Mga Palagay:
Ang masasabi ko lang sa kabanatang ito ay dito magiging mas malubha ang tunggalian sa pagitan nina Crisostomo Ibarra at Padre Damaso. Ito lang talaga ang palagay ko sa Kabanata 13.
Explanation:
buod mo nalang bb