Answer:
Mga Suso
Ang mga “bud” ay ang unang senyales ng mga lumalagong suso, na lumalaki sa ilalim ng mga utong.
Buhok sa Katawan
Tutubo ang buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan tulad ng ari, kilikili, at sa braso at binti.
Ari at Organong Reproduktibo
Ang oestrogen ay tumutulong as puwerta, matres, at mga fallopian tube na lumaki. Ang bulba ay mas halata na rin.
Baywang, Balakang, at Puwet
Naaapektuhan rin ng mga hormon kung saan nananatili ang taba sa katawan. Mas mahahalata na ang kurba ng baywang, balakang, at puwet dahil dito.
Tangkad
Lumalaki, lumalakas, at bumibigat ang katawan kapag nagdadalaga
Oily na Mukha at Tagihawat
Hormon ang karaniwang sanhi ng pagiging oily ang mukha at pagdami ng tagihawat.
Pagpapawis
Lumalaki rin ang mga sweat gland kapag nagdadalaga, kaya mas pagpapawisan ang mga babae. Magiging isyu na rin dito ang body odor.
Regla
Ang pagsisimula ng regla ay isang pangunahing bahagi ng pagdadalaga, at nangangahulugan na ang katawan ng isang babae ay maaari nang mabuntis.
LALAKI
Pagbabago sa iyong katawan
Ang unang pagbabago sa iyong katawan ay ang paglaki ng iyong bayag. Maaaring hindi mo mapansin ang paglaki nito ngunit ito ang unang senyales na ikaw ay nagbibinata na.
May mga hormones sa isang bahagi ng utak na nagiging dahilan upang lumaki ang bayag. Ang scrotum ay nagiging mas manipis at bahagyang lumalaylay ang bayag. Di kalaunan, ang pubic hair ay tumutubo palibot sa ari at sa scrotum. Ang ari ay magsisimula na ring lumaki.
Kasabay nito, may mga pagbabago ring nagaganap sa iba pang bahagi ng iyong katawan. May buhok na tutubo sa iyong kili-kili at kalaunan sa iyong mukha, braso, binti, at dibdib. Magkakaroon ka ng dagdag na tangkad at magiging mas matipuno.
Maaari kang makaranas ng pananakit sa iyong braso at binti dahil nababanat ang iyong kalamnan para bigyang daan ang paglaki ng iyong mga buto. Magiging mas malalim din ang iyong boses at kung minsan makakaranas ka ng pag-piyok, bagamat pansamantala lamang.
Magkakaroon ng pamamaga at panlalambot sa iyong mga utong. May ilang lalaki na nangangamba na baka tubuan sila ng suso o nag-iisip na may mali sa kanila, ngunit ang pamamaga ay bunga lamang ng mga hormon na naprodus sa panahon ng pagbibinata.
Ang pamamagang ito ay nawawala din sa paglipas ng panahon. Kapag ito nanatili sa loob ng isang taon o kung ikaw ay nababahala, kumunsulta sa iyong doktor.
Mga pagbabagong sikolohikal
Karamihan ng mga lalaki ay dumadaanan sa pabago-bagong emosyon habang nagbibinata. May pagkakataong makakaramdam ka ng kalungkutan o pagkagalit nang hindi mo alam ang dahilan. May sandaling malungkot ka at sa isang iglap naman ay masaya.
Maaari kang mabahala sa iniisip ng ibang mga bata tungkol sa iyo. At kung minsan naman ay ayaw mong maging malapit sa iyong mga magulang katulad ng dati. Ang mga ganitong damdamin ay normal na bahagi ng pagbibinata.
Kung ang iyong kalungkutan o lumbay ay nagtagal ng higit sa dalawang linggo o kung nahihirapan kang bumalik sa mga normal mong ginagawa, maghanap ka ng nakakatanda at kausapin sila ukol sa iyong nararamdaman. Ang mga unang tao na maaari mong kausapin ay ang iyong mga magulang, guro, o doktor.
Tigyawat o acne
Ang tigyawat ay karaniwang nararanasan sa pagbibinata. Ito ay dulot ng pagtaas ng produksyon ng langis sa balat at isang partikular na uri ng bakterya na nabubuhay sa butas (pores)
Anghit o body odor
Maaaring napansin mo ang pagkakaiba ng amoy ng iyong katawan ngayon kaysa dati lalo na pagkatapos ng paglalaro o pisikal na gawain.