Answer:
please give me brain list and follow
Explanation:
Ang ekonomiya ay may paikot na daloy ng kita o ng pera. Mahalaga ito dahil kapag tumigil o bumagal ang isa sa mga proseso nito, maapektuhan ang buong ekonomiya.
Ang paikot na daloy ng pera ay mailalarawan sa pagbigay ng manggagawa ng sambahayan sa mga kumpanya. Ang kumpanya ay gumagawa ng mga produkto at serbisyo. Binibil ng mga sambahayan ang mga produkto gamit ang pera. Ang pera ng sambahayan ay galing sa bigay ng mga kumpanya sa anyo ng sahod at upa.
Kapag bumilis nang sobra ang daloy ng pera, maaring malunod ang ekonomiya dahil sabik ang mga tao na gastusin ang kanilang pera. Magkakaroon ng kakapusan sa mga produkto at sa mga manggagawa dahil maaring hindi kayanin ng ekonomiya ang biglang paglakas ng negosyo. Hindi ito nakabubuti dahil magreresulta ito sa pagbagsak ng isang ekonomiya.
Kapag bumagal naman nang sobra ang daloy ng pera, maaring mag-alanganin ang mga tao na gastusin ang kanilang pera. Kapag nangyari ito hindi lalago ang ekonomiya at lilipas ito. Hindi uunlad ang bansa at ang mga tao dito.
Mahalaga na may maayos na daloy ang pera dahil isa itong tanda na maayos ang ekonomiya ng isang bansa. Kapag nakita ng mga namumuhan na may maayos na daloy ang ekonomiya, mas mahihikayat silang maglagak ng panahon sa paglago ng ekonomiyang ito.
Isa sa layunin ng gobyerno ay ang pangasiwaan ang daloy ng pera. Maari silang magpasa ng mga batas na magpapabagal o magpapabilis ng paikot na daloy ng ekonomiya, depende sa nakikita nilang mga datos.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa ekonomiya, bisitahin ang