mga tanong na inyong mababasa sa ibaba. Magbigay ng puna sa bawat datos na kinakailangan sa isang travel brochure. Isulat ang inyong rekomendasyon sa isang malinis na papel.
1.Ano-ano ang mga nakikita o nababasa na nakapaloob sa larawan? Isa-isahin ang mga ito.
2.Alin sa mga nilalaman nito ang nakakuha sa iyong interes?Bakit?
Base sa iyong pagsusuri, bumuo ng sariling tagline o slogan para sa travel brochure ng lugar ng Antique. Kailangan na ito ay catchy o nakapupukaw ng pansin.
Gawain sa Pagkatuto Blg. 6
Panuto: Humingi ng tulong sa magulang, kapatid o guardian upang makakuha ng isang halimbawa ng travel brochure o promotional coupon (kupon). Suriin ang mga datos na ginamit sa in batay sa mga gabay na mababasa sa ibaba. (10 points)
MGA GABAY SA PAGSUSURI NG DATOS NG ISANG TRAVEL BROCHURE
1. Nakapupukaw-pansin na pabalat
2. Alamin ang target audience
3. Payak at malinaw na nilalaman Introduksiyon o panimula.
4. Lokasyon ng mga prominente o kilalang pasyalan pa.
5. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga
6. Mga larawan ng mga lugar na maaaring pasyalan, kainan at mapagpapahingahan
7. Halaga ng transportasyon at iba pang bilihin