Nabago ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang pilipino, kasabay ng pagbabago ng teknolohiya ng kanilang mga kasangkapan mula sa kagamitang pangangaso, paggawa o paghulma ng mga masisilungang kweba, mga paraan ng paglilibing, at sa paglikha o pagdiskubre ng apoy hanggang sa makita ng isang kabataang Pilipino ang sagot na ito sa Brainly. Ang lahat ng naimbento at nadiskubre ng mga sinaunang tao ay napapakinabangan nating ngayon at ini-innovate para mas mabilis ang mga bagay-bagay at mas maunlad ang mga sistema. Ang katatinuhan at karunungan na mayroon ang mga sinaunant Pilipino ay napapakinabangan at nagagamit sa pamumuhay ng mga Pilipino ngayon.
Ang lebel ng teknolohiya ng mga sinaunang Pilipino o kahit pa ng mga sinaunang tao sa mundo ay maaari ngang tawaging konbensyonal ngunit ang lebel naman ng kanilang isip at gawa ay masasabing mas mataas ang lebel kaysa sa mga modernong tao na pinatatamad ng mga kagamitang hi-tech.
Ang mga Pilipino o mga sinaunang tao sa Pilipinas ay napatunayang mayroon na silang teknolohiya noon pa man na may malaking kaugnayan sa ating kasalukuyang pamumuhay.Ito ay dahil sa patuloy na pag-aaral ng mga eksperto sa arkeologo tungkol sa sinaunang kabihasnan ng ating mga ninuno.
Ang lebel ng teknolohiya sa sinaunang panahon ay hindi kasing dali katulad ng sa ngayon. Ang paghahabi ay isa sa mga pinakalumang proseso ng paggawa ng mga damit, ngayon ay de makina na ang mga panahian. Ni hindi na mahirap ang pagpedal dito. Sa pagsasaka noon ay kailangan pa talaga ng kalabaw sa pag-aararo. Kung mangingisda ay pahirapan pa munang makagawa ng lambat bago pumalaot. Ngunit ang mas kumplikadong pamamaraan nila noon ay patunay lamang na talagang masipag at malikhain ang ating mga ninuno.
Ang mga mabuting katangian at kakayahan ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay ay sumasalim sa tunay na kultura (o norm) ng ating kabihasnan.
Gaya ng hindi naging hadlang ang klima at kalamidad para muling bumangon at makalikha muli ng mga bagay na tataguyod sa lipunan. At hindi rin dahas ang ginagamit ng mga sinaunang tao para makamtam ang lahat ng yamang tubig at yamang lupa, kundi ugnayan at pakikipagkapwa-tao.
Maaaring maging mapayapa at disiplinado ang kalakalan, hindi kailangang mandaya o mang-isa dahil may dapat ay may respeto sa pamumuhay ng bawat isa
Ang pamumuhay ng sinaunang tao ay hindi ganoong dumepende sa teknolohiya noong sinaunang panahon. Ang mga paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino noon ay alinsunod lang din sa mga taong dumarating sa ating arkipelago.
Ang mga kagamitan noong unang panahon gaya nung natagpuan sa Kuweba ng Tabon sa Palawan ay mga yari sa bato. Malalaki at magagspang ang mga batong ito na kayang bumiyak ng mga punong kahoy at gamit rin na pagpatay ng mababangis na hayop. Ito ang isa sa mga kasangkapang resulta ng teknolohiya noong sinaunang panahon. Tinatawag ang panahon na ito na panahon ng lumang bato.
Sa hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino noon, natuto silang gumawa ng mga bangka para makapaglayag at makarating sa iba’t ibang lugar o pulo.
Ganito nabago ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino, kasabay ng pagbabago ng teknolohiya ng kanilang mga kasangkapan.