1answer.
Ask question
Login Signup
Ask question
All categories
  • English
  • Mathematics
  • Social Studies
  • Business
  • History
  • Health
  • Geography
  • Biology
  • Physics
  • Chemistry
  • Computers and Technology
  • Arts
  • World Languages
  • Spanish
  • French
  • German
  • Advanced Placement (AP)
  • SAT
  • Medicine
  • Law
  • Engineering
Firdavs [7]
3 years ago
7

Magbigay ng sariling pananaw hinggil sa paggamit ng sariling wika

Social Studies
1 answer:
pogonyaev3 years ago
8 0

Answer:

Ang wikang Filipino ay kunwari na tinatawag nating salamin ng kultura ng ating bansa at ang tanging puso ng ating bayan dahil ito mismo ay nagbibigay-buhay sa kasarian ng ating bayan, Pilipinas. Ang isang bansang walang sariling wika at hindi matapat na tinatangkilik ng mamamayan ay isang bayang walang sariling bandila at walang kultura. Sa ganon, tayo, mga Pilipino, ay may ating sariling wika at yun ay tinatawag nating wikang Filipino. Syempre, bawat bayan rin naman ay may kani-kanilang wika rin. Sa pag-gagamit ng sariling wika, tiyak na magpupuyos ang kalooban ng isang tao kunwari may kommunikasyon sa isa’t isa na mga Pilipino sa kanilang mga emosyon. Sa sariling wika, dito maibahagi at mapagunawan sa kung ano ang mapapahayag ng isang tao.

Ang wikang Filipino rin ay may maraming kani-kanilang gamit. Lahat ng mga wika sa isang bansa ay hindi lang basta-bastang ginagamit sa pagbibigay kommunikasyon kundi ito’y magagamit rin sa ibang aspekto. Ang mga aspetong ito ay tinatawag na gamit ng wika na kung saan ay may maraming mga halimbawa nito.

Pito sa mga halimbawa ng gamit ng wika ay:

· 1. Instrumental

Ang wika ay Instrumental kung ang sinasalita ay nakikiramay sa pangangailangan ng mga tao sa paligid lalo na kung may katanungan na kailangan sagutin. Ginagamit rin ito upang mangyari o maganap ang mga bagay-bagay tulad ng paguutos, pagsasalaysay o pagpapahayag, pagtuturo at pagkatuto sa karunungang kapaki-pakinabang, pagbibigay panuto, pangangalakal, paggawa ng liham pangalakal, at iba pa.

Halimbawang pangungusap:

§ Ipinakain ko yung aso ko ng pagkain.

§ Nandoon sa likod ng Gaisano Mall ang bahay ni Joseph.

· 2. Regulatoryo

Ang wikang Regulatoryo ay gumagabay sa kilos at asal ng iba. Itinuturi ring instruksiyon o ang pagkokontrol sa anong rapat gawin tulad ng pagtakda ng mga regulasyon, direksiyon o proceso sa kung paano igawa ang isang partikular na bagay, pag-ayon, pagtutol, at iba pa.

Halimbawang pangungusap:

§ “Kailangan inomin ang gamot na ito ka-apat sa isang araw.”

§ “Magbawas ng bilis kung ika’y nagmamaneho sa mabato na bukid.”

· 3. Interaksyonal

Ang wika ay Interaksyonal kung may interaksyon sa isa’t isa o ang pagkaroon ng kontak sa iba at bumuo ng pagkakaugnayan sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa. Mga halimbawa wikang Interaksyonal ay tulad ng pagpapaalam, pagbibigay-galang o pagbati, paggawa ng liham para sa isang tao, at iba pa.

Halimbawang pangungusap:

§ Kita tayo mamaya!

§ Salamat po!

· 4. Personal

Ang wika ay sinasabing Personal kung ito’y tinatamaan sa personal na damdamin tulad ng pagpapahayag ng sariling opinion o niramdaman. Ang wikaing ito ay impormal at walang tiyak na balangkas. Halimbawa sa mga gawaing ito ay ang panglalait o pagmumura, pagsisigaw, pagsusulat ng editoryal, pagsusulat ng dyaryo at iba pa.

· 5. Heuristiko

Ang wika ay Heuristiko dahil sa wikang ito ay naghahanap ng mga impormasyon at gamit madalas ay mga impormasyon makakatiwalaan na makamit sa mga propesyonal at akademikong libro o pinanggalingan. Halimbawa sa mga ito ay ang pagtatanong, pagnanaliksik, pag-eeksperimento, panonood ng mga balita sa telebisyon o dyaryo, at iba pa.

· 6. Imahinatibo

Ang wika ay Imahinatibo ay may kaugnayan sa pag-iisip kahit anumang imahinatibo na bagay. Madalas itong kinukwento sa paraang pagsusulat o pagsasalita na produkto. Halimbawa sa wikang ito ay ang pagtula, pagawit, pagkukwento ng kwento, pagbabasa ng nobela, at iba pa.

· 7. Representasyunal

Ang wikang Representasyunal ay ginagamit sa pagbibigay impormasyon sa paraang pagsusulat at pasalita. Halimbawa nito ay ang paggawa ng mga artikulo tulad ng tesis, research paper; pagsasaysay o pag-uulat, pagtuturo, at iba pa.

You might be interested in
What is development​
Marrrta [24]

Explanation:

development is a process that creates, growth, progressed, active change or the addition of physical, economic, environmental, social and demographic components.

5 0
4 years ago
Read 2 more answers
Can you please help me with this entire Social Studies Worksheet?
lubasha [3.4K]
1 is incomincjcfndincfdfnvdknvdvdnviknvrnovfrk fi fpvkwjlwb
5 0
3 years ago
Read 2 more answers
What type of government is associated with a command economy and what the life expectancy. Give an example
MrRissso [65]

Answer:

dk

Explanation:

5 0
3 years ago
MC 15 ________ is particularly important in international... ________ is particularly important in international markets where c
Firdavs [7]

Answer:

Relationship building is particularly important in international

Explanation:

Strong relationships are very important in business. This is especially true in international business, where there needs to be so much trust and dependability because big things are happening across large distances.

8 0
3 years ago
Why did angry Greek citizens storm into the streets in 2012 to protest?
Lerok [7]
Citizens were provoked by plans to cut public spending and raise taxes as austerity measures in exchange for a €110 billion bail-out, aimed at solving the Greek government-debt crisis at the time. So the correct answer is D.
4 0
3 years ago
Other questions:
  • Marcie is driving Adam to the airport. Adam is telling Marcie about some financial difficulties he is having. Periodically, he a
    13·1 answer
  • Need help due tomorrow!!!!
    11·2 answers
  • Identifying which colors have appropriate meaning based on culture is a matter of
    12·1 answer
  • Which is most characteristic of a society having a caste system ?
    6·1 answer
  • If you go to Indonesia on vacation and have a conversation with your cab driver about your favorite television program, this is
    15·1 answer
  • Overall, what is the reaction in europe to genetically engineered food?
    11·1 answer
  • What are two things the ancient Greeks contributed to our culture today
    7·2 answers
  • which statment best explains why the divine rights of kings theroy conflicted with the idea of a social contract
    6·1 answer
  • How many pennies are equal to a dollar?
    5·2 answers
  • Why is untouchability wrong?​
    11·2 answers
Add answer
Login
Not registered? Fast signup
Signup
Login Signup
Ask question!