1answer.
Ask question
Login Signup
Ask question
All categories
  • English
  • Mathematics
  • Social Studies
  • Business
  • History
  • Health
  • Geography
  • Biology
  • Physics
  • Chemistry
  • Computers and Technology
  • Arts
  • World Languages
  • Spanish
  • French
  • German
  • Advanced Placement (AP)
  • SAT
  • Medicine
  • Law
  • Engineering
Anestetic [448]
3 years ago
13

Paano no mailalarawan ang mga kababaihan sa Taiwan noong nakalipas na 50 taon?

World Languages
1 answer:
yKpoI14uk [10]3 years ago
8 0

Answer:

ANG KABABAIHAN NG TAIWAN, NGAYON AT NOONG NAKARAANG 50 TAON

Isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina

Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad ng kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan. Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% 0 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang ng buong mundo ang nakakukuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad ng kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan: una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.

Ang unang kalagayan noong nakalip

Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay walang naging kumplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.

Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kumpanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaeng namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.

At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa mga nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.  

Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring kumpanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.

Explanation:

DISCLAIMER: THIS IS NOT MINE CTTO

You might be interested in
Why would thailand be a good place to make a natural film
ziro4ka [17]
Because Thailand has a lush rain forest, and is full of nature, such as trees, river, etc
7 0
3 years ago
What does this mean ' 买了 '
Anastasy [175]
The answer is: bought
8 0
3 years ago
what does ¨he kept his eyes on the rocky pecks that jutted into the sky like jagged sharks teeth¨ mean?
Step2247 [10]
It means that "He was watching the mountains carefully."
7 0
3 years ago
Discuss if you think it is easier for kids to learn sign language or if adults have an easier time picking up complex languages
jenyasd209 [6]

Answer:

i think it is easier for kids

Explanation:

6 0
4 years ago
खंड-ख (व्यावहारिक व्याकरण)
Svet_ta [14]

Answer:

Explanation:

Underline the pronoun words in the following sentences and their

Also write the distinction.

This is my book

4 0
3 years ago
Other questions:
  • What's the purpose of different languages?
    11·2 answers
  • *1. Leia a seguir um trecho do "Poema de 7 faces" de Carlos Drummond De Andrade.
    5·1 answer
  • Inalienable in a sentence
    9·2 answers
  • Do you think dyscalculia is a viable category despite the large number of areas it can impact a student?
    10·1 answer
  • Translate:
    9·2 answers
  • شجرةُ الشوعِ تنمو على سفوحِ الجبالِ وضفافِ الوديانِ ذاتِ
    13·1 answer
  • Emoîmba traducido al español
    8·1 answer
  • Lea las oraciones y escriba en que ersona se encuentra oraciones numero personas oracion yo subo las escaleras de mi casa q es p
    11·2 answers
  • Before watching a video about black holes, it is important to ____
    15·2 answers
  • What is the Future tense of 만나다?
    10·1 answer
Add answer
Login
Not registered? Fast signup
Signup
Login Signup
Ask question!