Answer:
Ugnayang namamagitan sa sambahayan at bahay-kalakal
Ang sambahayan at bahay-kalakal ay ang mga pangunahing aktor sa modelo ng pambansang ekonomiya.
Ang sambahayan ay kalipunan ng mga mamimili o konsyumer sa isang ekonomiya samantalang ang bahay-kalakal ay tumutukoy sa naman sa tagalikha ng mga pprodukto o serbisyo.
Ang sambahayan at bahay-kalakal ay nagtutulungan upang makagawa ka ng mga paraan upang matugunan ang iyong mga sariling pangangailangan. Ikaw mismo ang hahanap ng paraan upang makakuha ng iyong makakain, gumawa ng sarili mong bahay at makabuo ng sarili mong kasuotan, sa madaling sabi ang sambayanan at bahay-kalakal ay masasabing ang iyong sarili.
Nakikipag-ugnayan ang sambahayan at bahay kalakal sa mga pamilihan ng kalakal at paglilingkod dahil dito bibili ang sambahayan ng produkto sa pantugon sa mga pangangailangan o kagustuhan nito. Ang gagamitin ng sambahayan ay ang natanggap nitong kita upang makabili ng mga produkto at serbisyo. Sa pananaw ng sambahayan, dito kumikita ang bahay-kalakal. Ang dalawang aktor na ito ay umaasa sa isa't isa upang matugunan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan.
Sa madaling sabi, ang sambahayan ay kalipunan ng mamimili at ang bahay-kalakal ay tagalikha ng mga produkto at serbisyo.
Para sa karagdagan pang kaalaman tungkol sa sambahayan at bahay-kalakal, magtungo sa link na:
brainly.ph/question/324811
#BetterWithBrainly
Explanation: